"Ang Kabataan ang pag-asa ng ating bansa" - Jose Rizal
Linyang napakaluma pero may magandang mensahe na naging inspirasyon ng mga kabataan ng YFPM Pantukan para magbigay ng handog sa mga bata.
Kasabay ng kaarawan ni Gat Jose Rizal, tumungo ang YFPM Pantukan sa Sto. Cebulida, Kingking, Pantukan, Compostela Vley upang maghandog ng kaunting pamasko sa mga bata na mula sa purok ng Sta. Cruz at Cebulida.
Higit 100 kabataan ang nahandugan ng mga tsinelas, school supplies at mga pagkain mula sa iba't-ibang tao na nagbigay buhay at sigla sa programa.
Ang SSG Pantukan National High School (NHS) ay nakilahok rin at nagbigay ng pamaskong handog sa mga pamilya ng mga bata na pinangungunahan ni Sheila Mae Cabrera, ang pangulo ng SSG PNHS at isa ring miyembro ng YFPM Pantukan. Higit 20 pamilya ang nabigyan nila ng panghanda ngayong bagong taon.
Dahil dito, nakapagbigay ng ngiti ang YFPM Pantukan sa mga bata at dahil rin ito sa Poong Maykapal na nagbigay ng instrumento na nagsilbing ilaw sa programa.
Nagpapasalamat naman ang organisasyon sa PLGU Comval na pinangungunahan ni Gov. Jayvee Tyron Uy, YFPM ComVal, LGU Pantukan, SSG Pantukan NHS, SKMF Pantukan, Hon. Hannie Jean Trangia-Elisan, Maam Mes Cathy Uy Pangay, mga Purok Chairpersons ng Sta. Cruz at Cebulida, mga mamamayan ng Sta. Cruz at Cebulida na tumulong, at sa mga magulang at studyante na hindi miyembro ng organisasyon.
Writer: Joseph Rizon, YFPM Pantukan Contributor
Comments
Post a Comment